Abiso sa Mga Kasanayan sa Pagkapribado
INILALARAWAN NG ABISONG ITO KUNG PAANO MAAARING GAMITIN AT IBAHAGI ANG MEDIKAL NA IMPORMASYON TUNGKOL SA IYO, AT KUNG PAANO MO MAA-AKSES ANG IMPORMASYONG ITO.
MANGYARING REPASUHIN ITO NANG MABUTI.
Epektibo 08.14.2017
Mga Tungkulin ng mga Sakop na Entidad:
Ang Health Net* (tinutukoy bilang "kami" o "ang Plano") ay isang Sakop na Entidad na tinutukoy at kinokontrol sa ilalim ng Health Insurance Portability and Accountability Act ng 1996 (HIPAA). Ang Health Net ay kinakailangan ng batas na panatilihin ang pagkapribado ng iyong protektadong impormasyong pangkalusugan (protected health information, PHI), magbigay sa iyo ng Abiso na ito tungkol sa aming mga legal na tungkulin at kasanayan sa pagkapribado na nauugnay sa iyong PHI, sumunod sa mga tuntunin ng Abiso na umiiral sa kasalukuyan at abisuhan ikaw sa kaganapan ng isang paglabag sa iyong hindi protektadong PHI. Ang PHI ay impormasyon tungkol sa iyo, kabilang ang impormasyong demograpiko, na maaaring magamit nang makatwiran upang makilala ka at na nauugnay sa iyong nakaraan, kasalukuyan o hinaharap na pisikal o mental na kalusugan o kundisyon, ang pagkakaloob ng pangangalagang pangkalusugan sa iyo o ang pagbabayad para sa pangangalagang iyon.
Inilalarawan ng Abisong ito kung paano namin maaaring gamitin at isiwalat ang iyong PHI. Inilalarawan din nito ang iyong mga karapatan sa pag-akses, pagbago at pamamahala ng iyong PHI at kung paano gamitin ang mga karapatang iyon. Ang lahat ng iba pang paggamit at pagsisiwalat ng iyong PHI na hindi inilarawan sa Abisong ito ay gagawin lamang nang may iyong nakasulat na pahintulot.
Nakalaan sa Health Net ang karapatan na baguhin ang Abiso na ito. Nakalaan sa amin ang karapatang gawing epektibo ang iniba o binago na Abiso para sa iyong PHI na nasa amin pati na rin ang alinman sa iyong PHI na tatanggapin namin sa hinaharap. Agad na iibahin at ibabahagi ng Health Net ang Abisong ito tuwing mayroong isang importanteng pagbabago sa mga sumusunod:
- Mga Paggamit at pagsisiwalat
- Iyong mga karapatan
- Aming mga legal na tungkulin
- Iba pang mga kasanayan sa pagkapribado na nakasaad sa abiso
Gagawin naming magagamit ang anumang mga inibang Abiso sa aming website at sa aming Manwal ng Miyembro.
Mga Panloob na Proteksyon ng Pasalita, Nakasulat at Elektronikong PHI:
Pinoprotektahan ng Health Net ang iyong PHI. Mayroon kaming mga proseso sa pagkapribado at seguridad na makakatulong.
Ito ang ilan sa mga paraan na pinoprotektahan namin ang iyong PHI.
- Sinasanay namin ang aming mga tauhan na sundin ang aming mga proseso sa pagkapribado at seguridad.
- Kinakailangan namin ang aming mga kasama sa negosyo na sundin ang mga proseso sa pagkapribado at seguridad.
- Pinananatili naming protektado ang aming mga tanggapan.
- Pinag-uusapan namin ang tungkol sa iyong PHI para lamang sa isang pang-negosyong dahilan sa mga taong kailangang malaman.
- Pinananatili naming protektado ang iyong PHI kapag ipinapadala namin ito o iniimbak ito nang elektroniko.
- Gumagamit kami ng teknolohiya upang maiwasang ma-akses ang iyong PHI ng mga hindi nararapat na tao.
Mga Pinapayagan na Paggamit at Pagsisiwalat ng Iyong PHI:
Ang sumusunod ay isang listahan kung paano namin maaaring gamitin o isiwalat ang iyong PHI nang walang iyong pahintulot o awtorisasyon:
- Paggamot – Maaari naming gamitin o isiwalat ang iyong PHI sa isang doktor o iba pang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nagbibigay ng paggamot sa iyo, upang maiugnay ang iyong paggamot sa mga tagapagbigay ng serbisyo, o upang tulungan kami sa paggawa ng mga pagpasya sa paunang awtorisasyon na nauugnay sa iyong mga benepisyo.
- Pagbabayad – Maaari naming gamitin at isiwalat ang iyong PHI upang magbayad ng benepisyo para sa mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na ibinigay sa iyo. Maaari naming isiwalat ang iyong PHI sa isa pang plano sa kalusugan, sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan, o iba pang entidad na napapailalim sa pederal na Mga Panuntunan sa Pagkapribado para sa kanilang mga layunin sa pagbabayad. Kabilang sa mga aktibidad sa pagbabayad ay maaaring ang:
- pagproseso ng mga paghahabol
- pagtukoy ng pagiging karapat-dapat o pagsaklaw para sa mga paghahabol
- paglalabas ng mga pagsingil sa premium
- pagrerepaso sa mga serbisyo para sa medikal na pangangailangan
- pagsasagawa ng pagrerepaso sa paggamit ng mga paghahabol
- Mga Pagpapatakbo ng Pangangalagang Pangkalusugan – Maaari naming gamitin at isiwalat ang iyong PHI upang maisagawa ang aming mga pagpapatakbo sa pangangalagang pangkalusugan. Maaaring kabilang sa mga aktibidad na ito ang:
- pagbibigay ng mga serbisyo sa kostumer
- pagtugon sa mga reklamo at mga apela
- pagbibigay ng pangangasiwa ng kaso at koordinasyon ng pangangalaga
- pagsasagawa ng medikal na pagrerepaso ng mga paghahabol at iba pang pagtatasa sa kalidad
- mga nagpapabuti na aktibidad
Sa aming mga pagpapatakbo ng pangangalagang pangkalusugan, maaari naming isiwalat ang PHI sa mga kasama sa negosyo. Mayroon kaming mga nakasulat na kasunduan sa mga kasama na ito upang maprotektahan ang pagkapribado ng iyong PHI. Maaari naming isiwalat ang iyong PHI sa isa pang entidad na napapailalim sa pederal na mga Panuntunan sa Pagkapribado. Ang entidad ay dapat ding magkaroon ng isang relasyon sa iyo para sa mga pagpapatakbo ng pangangalagang pangkalusugan nito. Kabilang nito ang sumusunod:
- pagtatasa sa kalidad at mga nagpapabuti na aktibidad
- pagrerepaso ng kakayahan o mga kwalipikasyon ng mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan
- pangangasiwa ng kaso at koordinasyon ng pangangalaga
- pagtuklas o pagpigil sa pandaraya at pang-aabuso sa pangangalagang pangkalusugan
- Mga Pagsisiwalat ng Isponsor ng Plano/Planong Pangkalusugan ng Pangkat – Maaari naming isiwalat ang iyong protektadong impormasyon sa kalusugan sa isang isponsor ng planong pangkalusugan ng pangkat, tulad ng isang tagapag-empleyo o ibang entidad na nagbibigay ng isang programa sa pangangalagang pangkalusugan sa iyo, kung sumang-ayon ang isponsor sa tiyak na mga paghihigpit sa kung paano nito gagamitin o isiwalat ang protektadong impormasyon sa kalusugan (tulad ng pagsang-ayon na huwag gamitin ang protektadong impormasyon sa kalusugan para sa mga pagkilos o pagpasya na nauugnay sa trabaho).
Iba Pang mga Pinahihintulutan o Kinakailangan na Pagsisiwalat ng Iyong PHI:
- Mga Aktibidad sa Pagpangalap ng Pondo – Maaari naming gamitin o isiwalat ang iyong PHI para sa mga aktibidad sa pangangalap ng pondo, tulad ng pagtitipon ng pera para sa isang pundasyon ng kawanggawa o katulad na entidad upang matulungan sa suporta pang-pinansyal ng kanilang mga aktibidad. Kung makikipag-ugnay nga kami sa iyo para sa mga aktibidad ng pangangalap ng pondo, bibigyan ka namin ng pagkakataon na hindi sumali, o ihinto, ang pagtanggap ng mga naturang komunikasyon sa hinaharap.
- Mga Layunin sa Pag-underwrite – Maaari naming gamitin o isiwalat ang iyong PHI para sa mga layunin sa pag-underwrite, tulad ng paggawa ng pagpasya tungkol sa isang aplikasyon o kahilingan sa pagsaklaw. Kung gagamitin o isisiwalat nga namin ang iyong PHI para sa mga layunin ng pag-underwrite, ipinagbabawal kami na gamitin o isiwalat ang iyong PHI na isang genetiko na impormasyon sa proseso ng pag-underwrite.
- Mga Paalala sa Appointment/Mga Alternatibong Paggamot – Maaari naming gamitin at isiwalat ang iyong PHI upang ipaalala sa iyo tungkol sa isang appointment sa amin para sa paggamot at pangangalagang medikal o upang bigyan ka ng impormasyon tungkol sa mga alternatibong paggamot o iba pang mga benepisyo at serbisyo na nauugnay sa kalusugan, tulad ng impormasyon tungkol sa kung paano itigil ang paninigarilyo o mangayayat.
- Ayon sa Kinakailangan ng Batas – Kung ang pederal, estado, at/o lokal na batas ay nangangailangan ng paggamit o pagsisiwalat ng iyong PHI, maaari naming gamitin o isiwalat ang iyong PHI hanggang sa sakop na ang paggamit o pagsisiwalat ay sumusunod sa naturang batas at limitado sa mga kinakailangan ng naturang batas. Kung magkasalungatan ang dalawa o higit pang mga batas o regulasyon na namamahala sa parehong paggamit o pagsisiwalat, susundin namin ang mas mahigpit na mga batas o regulasyon.
- Mga Aktibidad sa Pampublikong Pangkalusugan – Maaari naming isiwalat ang iyong PHI sa isang awtoridad sa pampublikong kalusugan para sa hangaring mapigilan o makontrol ang sakit, pinsala, o kapansanan. Maaari naming isiwalat ang iyong PHI sa Pangangasiwa sa Pagkain at Gamot (Food and Drug Administration, FDA) upang matiyak ang kalidad, kaligtasan o pagiging epektibo ng mga produkto o serbisyo sa ilalim ng hurisdiksyon ng FDA.
- Mga Biktima ng Abuso at Kapabayaan – Maaari naming isiwalat ang iyong PHI sa isang lokal, estado, o pederal na awtoridad ng pamahalaan, kabilang ang mga serbisyong panlipunan o isang ahensya sa mga serbisyong pang-proteksyon na pinahintulutan ng batas na tumanggap ng mga naturang ulat kung mayroon kaming makatuwirang paniniwala ng abuso, pagpapabaya o karahasan sa tahanan.
- Mga Panghukuman at Pang-administratibong Paglilitis – Maaari naming isiwalat ang iyong PHI sa panghukuman at pang-administratibong paglilitis. Maaari rin naming isiwalat ito bilang tugon sa mga sumusunod:
- isang utos ng isang korte
- pang-administratibo na tribunal
- subpoena
- patawag
- warrant
- kahilingan ng pagtuklas
- katulad na legal na kahilingan
- Pagpapatupad ng Batas – Maaari naming isiwalat ang iyong nauugnay na PHI sa pagpapatupad ng batas kapag kinakailangan na gawin ito. Halimbawa, bilang tugon sa isang:
- utos ng korte
- warrant na utos ng korte
- subpoena
- patawag na ipinalabas ng isang panghukuman na opisyal
- subpoena ng grand jury
Maaari rin naming isiwalat ang iyong nauugnay na PHI upang makilala o hanapin ang isang pinaghihinalaan, takas, importanteng saksi, o nawawalang tao.
- Mga Coroner, Medikal na Tagasuri at Direktor ng Paglilibing – Maaari naming isiwalat ang iyong PHI sa isang coroner o medikal na tagasuri. Maaaring kailanganin ito, halimbawa, upang matukoy ang isang sanhi ng pagkamatay. Maaari rin naming isiwalat ang iyong PHI sa mga direktor ng paglilibing, kung kinakailangan, upang maisagawa nila ang kanilang mga tungkulin.
- Donasyon ng Organo, Mata at Tisyu – maaaring isiwalat ang iyong PHI sa mga organisasyon sa pagkuha ng organo. Maaari rin naming isiwalat ang iyong PHI sa mga nagtatrabaho sa pagkuha, pagbabangko o paglipat ng:
- mga organo ng bangkay
- mga mata
- mga tisyu
- Mga Banta sa Kalusugan at Kaligtasan – Maaari naming gamitin o isiwalat ang iyong PHI kung naniniwala kami, sa mabuting pananalig, na kinakailangan ang paggamit o pagsisiwalat upang mapigilan o mabawasan ang isang grabe o napipintong banta sa kalusugan o kaligtasan ng isang tao o ng publiko.
- Mga Espesyal na Tungkulin ng Pamahalaan – Kung ikaw ay miyembro ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos, maaari naming isiwalat ang iyong PHI ayon sa kinakailangan ng mga awtoridad ng militar na command. Maaari rin naming isiwalat ang iyong PHI:
- sa mga awtorisadong pederal na opisyal para sa mga pambansang seguridad at intelihensiya na aktibidad
- sa Kagawaran ng Estado para sa mga pagpapasya sa pagiging medikal na angkop
- para sa mga pangproteksyon na serbisyo para sa Pangulo o iba pang mga awtorisadong tao
- Kabayaran para sa Mga Manggagawa – Maaari naming isiwalat ang iyong PHI upang sumunod sa mga batas na nauugnay sa kabayaran para sa mga manggagawa o iba pang mga katulad na programa, na itinatag ng batas, na nagbibigay ng mga benepisyo para sa mga pinsala o sakit na may kaugnayan sa trabaho na walang pagsasaalang-alang sa kasalanan.
- Mga Sitwasyong Pang-emerhensya – Maaari naming isiwalat ang iyong PHI sa isang pang-emerhensya na sitwasyon, o kung ikaw ay nawalan ng kakayahan o wala dito, sa isang miyembro ng pamilya, matalik na personal na kaibigan, awtorisadong ahensya ng tulong sa sakuna, o sa anumang ibang tao na dating kinilala mo. Gagamit kami ng propesyonal na paghuhusga at karanasan upang magpasya kung ang pagsisiwalat ay para sa iyong pinakamahusay na interes. Kung ang pagsisiwalat ay para sa iyong pinakamahusay na interes, isisiwalat lamang namin ang PHI na direktang nauugnay sa pagkakasangkot ng tao sa iyong pangangalaga.
- Mga Bilanggo – Kung ikaw ay isang bilanggo ng isang pagwawasto na institusyon o nasa pangangalaga ng isang opisyal ng tagapagpatupad ng batas, maaari naming isiwalat ang iyong PHI sa pagwawasto na institusyon o opisyal ng nagpapatupad ng batas, kung saan kinakailangan ang naturang impormasyon para mabigyan ka ng pangangalagang pangkalusugan ng institusyon, upang maprotektahan ang iyong kalusugan o kaligtasan, o ang kalusugan o kaligtasan ng mga iba, o para sa kaligtasan at seguridad ng pagwawasto na institusyon.
- Pananaliksik – Sa mga tiyak na pangyayari, maaari naming isiwalat ang iyong PHI sa mga mananaliksik kapag naaprubahan na ang kanilang klinikal na pagsasaliksik na pag-aaral at kung saan naitatag ang mga tiyak na pag-iingat upang matiyak ang pagkapribado at proteksyon ng iyong PHI.
Mga Paggamit at Pagsisiwalat ng Iyong PHI Na Nangangailangan ng Iyong Nakasulat na Awtorisasyon
Kinakailangan kaming kumuha ng iyong nakasulat na awtorisasyon upang gamitin o isiwalat ang iyong PHI, na may mga limitadong pagbubukod, para sa mga sumusunod na kadahilanan:
Pagbebenta ng PHI – Hihiling kami ng iyong nakasulat na awtorisasyon bago kami gumawa ng anumang pagsisiwalat na itinuturing na isang pagbebenta ng iyong PHI, na nangangahulugan na tumatanggap kami ng kabayaran para sa pagsisiwalat sa PHI sa ganitong pamamaraan.
Pagmemerkado – Hihiling kami ng iyong nakasulat na awtorisasyon na gamitin o isiwalat ang iyong PHI para sa mga layunin ng pagmemerkado na may mga limitadong pagbubukod, tulad ng kapag mayroon kaming mga harapan na komunikasyon sa pagmemerkado sa iyo o kapag nagbibigay kami ng mga pang-promosyong regalong walang gaanong halaga.
Mga Tala sa Psychotherapy – Hihiling kami ng iyong nakasulat na awtorisasyon na gamitin o isiwalat ang anuman sa iyong mga tala sa psychotherapy na maaaring mayroon kami sa file na may limitadong pagbubukod, tulad ng para sa tiyak na paggamot, pagbabayad o mga pagpapatakbo na kapasidad sa pangangalagang pangkalusugan.
Mga Karapatan ng mga Indibidwal
Ang mga sumusunod ay ang iyong mga karapatan tungkol sa iyong PHI. Kung nais mong gamitin ang anuman sa mga sumusunod na karapatan, mangyaring makipag-ugnay sa amin gamit ang impormasyon sa dulo ng Abisong ito.
- Karapatan na Bawiin ang isang Awtorisasyon – Maaari mong bawiin ang iyong awtorisasyon sa anumang oras, ang pagbawi ng iyong awtorisasyon ay dapat na nakasulat. Ang pagbawi ay magiging epektibo kaagad, maliban sa pagsakop na gumawa na kami ng mga pagkilos sa pagtitiwala sa awtorisasyon at bago namin matanggap ang iyong nakasulat na pagbawi.
- Karapatan na Humiling ng Mga Paghihigpit – May karapatan kang humiling ng mga paghihigpit sa paggamit at pagsisiwalat ng iyong PHI para sa paggamot, pagbabayad o mga pagpapatakbo ng pangangalagang pangkalusugan, pati na rin ang mga pagsisiwalat sa mga taong kasangkot sa iyong pangangalaga o pagbabayad para sa iyong pangangalaga, tulad ng mga miyembro ng pamilya o mga matalik na kaibigan. Dapat ipahayag ng iyong kahilingan ang mga paghihigpit na iyong hinihiling at ipahayag kung kanino naaangkop ang paghihigpit. Hindi kami kinakailangang sumang-ayon sa kahilingang ito. Kung sumasang-ayon kami, susunod kami sa iyong kahilingan sa paghihigpit maliban kung kinakailangan ang impormasyon upang mabigyan ka ng pang-emerhensya na paggamot. Gayunpaman, hihigpitan namin ang paggamit o pagsisiwalat ng PHI para sa pagbabayad o mga pagpapatakbo ng pangangalagang pangkalusugan sa isang plano sa kalusugan kapag nabayaran mo nang buo ang serbisyo o bagay.
- Karapatan na Humiling ng Kumpidensyal na Komunikasyon – May karapatan kang humiling na makipag-usap kami sa iyo tungkol sa iyong PHI sa pamamagitan ng mga kahalili na paraan o sa mga kahaliling lokasyon. Naaangkop lamang ang karapatang ito sa mga sumusunod na pangyayari: (1) ang komunikasyon ay nagsisiwalat ng medikal na impormasyon o pangalan at address ng tagapagbigay ng serbisyo na nauugnay sa pagtanggap ng mga sensitibong serbisyo, o (2) kung ang pagsisiwalat ng lahat o bahagi ng medikal na impormasyon o pangalan at address ng tagapagbigay ng serbisyo ay maaaring malagay ka sa panganib kung hindi ka naabisuhan sa pamamagitan ng kahaliling paraan o sa kahaliling lokasyon na nais mo. Hindi mo kailangang ipaliwanag ang dahilan ng iyong kahilingan, ngunit ang iyong kahilingan ay dapat na malinaw na ipahayag na alinman sa ang komunikasyon ay nagsisiwalat ng medikal na impormasyon o pangalan at address ng tagapagbigay ng serbisyo na nauugnay sa pagtanggap ng mga sensitibong serbisyo o na ang pagsisiwalat ng lahat o bahagi ng medikal na impormasyon o pangalan at address ng tagapagbigay ng serbisyo ay maaaring malagay ka sa panganib kung ang paraan ng komunikasyon o lokasyon ay hindi binago. Dapat naming tanggapin ang iyong kahilingan kung ito ay makatuwiran at tumutukoy sa kahaliling paraan o lokasyon kung saan dapat maihatid ang iyong PHI.
- Karapatan sa Pag-akses at Pagtanggap na Kopya ng iyong PHI – May karapatan ka, na may mga limitadong pagbubukod, na tingnan o makakuha ng mga kopya ng iyong PHI na nilalaman sa isang itinalagang pangkat ng talaan. Maaari kang humiling na magbigay kami ng mga kopya sa isang anyo na maliban sa mga photocopy. Gagamitin namin ang anyo na iyong hiniling maliban kung hindi namin praktikal na gawin ito. Dapat mong isumite ang kahilingan sa pamamagitan ng isang sulat upang makakuha ng pag-akses sa iyong PHI. Kung tatanggihan namin ang iyong kahilingan, bibigyan ka namin ng isang nakasulat na paliwanag at sasabihin sa iyo kung ang mga dahilan para sa pagtanggi ay maaaring marepaso at kung paano humiling ng naturang pagrerepaso o kung ang pagtanggi ay hindi marepaso.
- Karapatan na Iwasto ang iyong PHI – May karapatan kang humiling na iwasto namin, o baguhin, ang iyong PHI kung naniniwala kang naglalaman ito ng hindi tamang impormasyon. Ang iyong kahilingan ay dapat na nakasulat, at dapat nitong ipaliwanag kung bakit dapat iwasto ang impormasyon. Maaari naming tanggihan ang iyong kahilingan para sa mga tiyak na kadahilanan, halimbawa kung hindi namin nilikha ang impormasyong nais mong iwasto at maisagawa ng tagalikha ng PHI ang pagwawasto. Kung tatanggihan namin ang iyong kahilingan, bibigyan ka namin ng isang nakasulat na paliwanag. Maaari kang tumugon sa isang pahayag na hindi ka sang-ayon sa aming pagpasya at isasama namin ang iyong pahayag sa PHI na hiniling mo na iwasto namin. Kung tatanggapin namin ang iyong kahilingan na iwasto ang impormasyon, magsasagawa kami ng mga makatuwirang pagsisikap na ipaalam sa mga iba, kabilang ang mga taong binanggit mo, ng pagwawasto at na isama ang mga pagbabago sa anumang pagsisiwalat sa impormasyong iyon sa hinaharap.
- Karapatang Makatanggap ng isang Pagtutuos ng Mga Pagsisiwalat – May karapatan kang tumanggap ng isang listahan ng mga pagkakataon sa loob ng huling 6 na taon na panahon na kung saan kami o ang aming mga kasama sa negosyo ay nagsiwalat ng iyong PHI. Hindi ito naaangkop sa pagsisiwalat para sa mga layunin ng paggamot, pagbabayad, pagpapatakbo ng pangangalagang pangkalusugan, o mga pagsisiwalat na iyong pinahintulutan at mga tiyak na iba pang aktibidad. Kung hihilingin mo ang pagtutuos na ito nang higit sa isang beses sa loob ng 12 buwan na panahon, maaari ka naming singilin ng isang makatwirang bayarin na nakabatay sa gastos para sa pagtugon sa itong mga karagdagang kahilingan. Bibigyan ka namin ng karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga bayarin sa oras ng iyong kahilingan.
- Karapatan na Magsampa ng Reklamo – Kung sa palagay mo ay nilabag ang iyong mga karapatan sa pagkapribado o nilabag namin ang aming sariling mga kasanayan sa pagkapribado, maaari kang magsampa ng isang reklamo sa amin sa pamamagitan ng pagsulat o sa telepono gamit ang pag-kontak na impormasyon sa dulo ng Abisong ito. Para sa mga reklamo ng miyembro ng Medi-Cal, ang mga miyembro ay maaari ring makipag-ugnay sa Kagawaran ng mga Serbisyong Pangangalagang Pangkalusugan ng California na nakalista sa susunod na seksyon.
Maaari ka ring magsampa ng isang reklamo sa Tanggapan ng Sekretarya ng U.S. Kagawaran ng Kalusugan at Mga Serbisyo sa Tao para sa Mga Karapatang Sibil sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang sulat sa 200 Independence Avenue, SW, Washington, DC 20201 o pagtawag sa 1-800-368-1019, (TTY: 1-866-788-4989) o pagbisita sa www.hhs.gov/ocr/privacy/hipaa/complaints.
HINDI KAMI GAGAWA NG ANUMANG AKSYON LABAN SA IYO PARA SA PAGSASAMPA NG ISANG REKLAMO.
- Karapatang Makatanggap ng isang Kopya ng Abisong ito – Maaari kang humiling ng isang kopya ng aming Abiso sa anumang oras sa pamamagitan ng paggamit ng listahan ng pagkontak na impormasyon sa dulo ng Abiso. Kung natanggap mo ang Abisong ito sa aming web site o sa pamamagitan ng elektronikong koreo (e-mail), karapat-dapat ka ring humiling ng isang papel na kopya ng Abiso.
Pagkontak na Impormasyon
Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa Abisong ito, aming mga kasanayan sa pagkapribado na nauugnay sa iyong PHI o kung paano gamitin ang iyong mga karapatan, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng pagsulat o sa telepono gamit ang pagkontak na impormasyon na nakalista sa ibaba.
Tanggapan ng Pagkapribado ng Health Net
Attn: Opisyal sa Pagkapribado
P.O. Box 9103
Van Nuys, CA 9140
Telepono: 1-800-522-0088
Fax: 1-866-388-1769
Email: Privacy@healthnet.com
Para sa mga miyembro ng Medi-Cal lamang, kung naniniwala kang hindi namin naprotektahan ang iyong pagkapribado at nais mong magreklamo, maaari kang magsampa ng isang reklamo sa pamamagitan ng pagtawag o pagsulat sa:
Opisyal sa Pagkapribado c/o Tanggapan ng mga Legal na Serbisyo
Kagawaran ng mga Serbisyong Pangangalagang Pangkalusugan ng California
1501 Capitol Avenue, MS 0010
P.O. Box 997413
Sacramento, CA 95899-7413
Telepono: 1-916-445-4646 o 1-866-866-0602 (TTY:TDD: 1-877-735-2929)
E-mail: Privacyofficer@dhcs.ca.gov
PAGKAPRIBADO NA ABISO SA PAMPINANSYAL NA IMPORMASYON
INILALARAWAN NG ABISONG ITO KUNG PAANO MAAARING MAGAMIT AT ISIWALAT ANG PAMPINANSYAL NA IMPORMASYON TUNGKOL SA IYO AT KUNG PAANO KA MAKAKAKUHA NG PAG-AKSES SA IMPORMASYONG ITO. MANGYARING REPASUHIN ITO NANG MABUTI.
Nakatuon kami sa pagpapanatili ng pagkakumpidensiyal ng iyong personal na pampinansyal na impormasyon. Para sa mga layunin ng abisong ito, ang "personal na pampinansyal na impormasyon" ay nangangahulugang impormasyon tungkol sa isang nakatala o isang aplikante para sa pagsaklaw ng pangangalagang pangkalusugan na kinikilala ang indibidwal, na hindi pangkalahatang magagamit sa publiko, at kinokolekta mula sa indibidwal o nakuha nang may kaugnayan sa pagbibigay ng pagsaklaw ng pangangalagang pangkalusugan sa indibidwal.
Impormasyon na Kinokolekta Namin: Kinokolekta namin ang personal na pampinansyal na impormasyon tungkol sa iyo mula sa mga sumusunod na mapagkukunan:
- Impormasyon na natanggap namin mula sa iyo sa mga aplikasyon o mga iba pang form, tulad ng pangalan, address, edad, medikal na impormasyon at numero ng Social Security;
- Impormasyon tungkol sa iyong mga transaksyon sa amin, aming mga kaakibat o mga iba pa, tulad ng pagbabayad ng premium at kasaysayan ng mga paghahabol; at
- Impormasyon mula sa mga ulat ng mamimili.
Pagsisiwalat ng Impormasyon: Hindi namin isinisiwalat sa anumang ikatlong partido ang personal na pampinansyal na impormasyon tungkol sa aming mga nagpatala o mga dating nagpatala, maliban sa kinakailangan o pinahihintulutan ng batas. Halimbawa, sa kurso ng aming mga pangkalahatang kasanayan sa negosyo, maaari naming, ayon sa pinahihintulutan ng batas, isiwalat ang anuman sa personal na pampinansyal na impormasyon na kinokolekta namin tungkol sa iyo, nang wala ang iyong awtorisasyon, sa mga sumusunod na uri ng mga institusyon:
- Sa aming mga kaakibat na korporasyon, tulad ng mga iba pang tagaseguro;
- Sa mga hindi kaakibat na kumpanya para sa aming pang-araw-araw na layunin sa negosyo, tulad ng pagpoproseso ng iyong mga transaksyon, pagpapanatili ng iyong (mga) account, o pagtugon sa mga utos ng korte at legal na pagsisiyasat; at
- Sa mga hindi kaakibat na kumpanya na nagsasagawa ng mga serbisyo para sa amin, kabilang ang pagpapadala ng mga pang-promosyong komunikasyon para sa amin.
Pagkakumpidensiyal at Seguridad: Pinananatili namin ang mga pag-iingat sa pisikal, elektronik at pang-pamamaraan, alinsunod sa naaangkop na mga pamantayan ng estado at pederal, upang maprotektahan ang iyong personal na pampinansyal na impormasyon laban sa mga panganib tulad ng pagkawala, pagkasira o maling paggamit. Kabilang sa mga hakbang na ito ang mga pag-iingat ng computer, mga protektadong file at gusali, at mga paghihigpit sa kung sino ang maaaring mag-akses sa iyong personal na pampinansyal na impormasyon.
Mga Katanungan tungkol sa Abisong ito: Kung ikaw ay may mga katanungan tungkol sa abisong ito.
Mangyaring tumawag sa libreng tawag na numero ng telepono sa likod ng iyong ID card o makipag-ugnayan sa Health Net sa 1-800-522-0088.
*Naaangkop din ang Abiso sa Mga Kasanayan sa Pagkapribado na ito sa mga nagpatala sa alinman sa mga sumusunod na entidad ng Health Net:
Health Net of California, Inc., Health Net Community Solutions, Inc., Health Net Health Plan of Oregon, Inc., Managed Health Network, LLC at Health Net Life Insurance Company, na mga subsidyaryo ng Health Net, Inc. at Centene Corporation. Ang Health Net ay isang nakarehistrong marka ng serbisyo ng Health Net, Inc. Lahat ng iba pang nakilalang mga marka ng kalakal/marka ng serbisyo ay mananatiling pagmamay-ari ng kani-kanilang mga kumpanya. Nakalaan ang lahat ng mga karapatan Binago 04/06/2018