Pagpapatuloy ng Pangangalaga
Kapag nagpalit ka ng mga plano sa kalusugan, maaari kang maging karapat-dapat na ipagpatuloy ang iyong pangangalaga sa iyong mga kasalukuyang doktor o medikal na grupo. Tinatawag itong Pagpapatuloy ng Pangangalaga (Continuity of Care, COC). Mayroon kang 60 araw pagkatapos kang maitala sa planong ito upang humiling ng Pagpapatuloy ng Pangangalaga.
Narito ang isang listahan ng mga kondisyon na karapat-dapat para sa COC:
- isang malubhang kondisyon;
- isang grabeng pabalik-balik na kondisyon – hanggang sa labindalawang buwan;
- isang pagbubuntis (kabilang ang tagal ng pagbubuntis at agarang pangangalaga pagkatapos ng panganganak);
- kalusugan sa pag-iisip ng ina – hanggang sa 12 buwan mula sa dayagnosis o mula sa pagtatapos ng pagbubuntis;
- isang bagong panganak na hanggang sa 36 buwan ng edad - hanggang sa 12 buwan;
- isang nakamamatay na sakit; o
- isang operasyon o iba pang pamamaraan na pinahintulutan at itinakda ng iyong naunang plano sa kalusugan bilang bahagi ng isang dokumentadong kurso ng paggamot sa loob ng 180 araw ng petsa ng pagiging epektibo ng bagong plano.
Kasalukuyan ka bang nakakatanggap ng medikal na paggamot?
Kung ikaw o ang isang miyembro ng pamilya ay tumatanggap ng medikal na paggamot mula sa isang labas-sa-network na tagapagbigay ng serbisyo para sa isa sa mga medikal na kondisyon sa itaas, kumpletuhin ang form na ito (PDF) o tumawag sa sentro sa pagkontak sa kostumer para sa Health Net CanopyCare HMO sa 833-448-2042 (TTY: 711). Kung ikaw o isang miyembro ng pamilya ay tumatanggap ng mga serbisyong pangkalusugan sa pag-iisip o paggamot sa paggamit ng substansya na sakit (inpatient o outpatient), tawagan ang Managed Health Network, LLC (MHN) sa 833-996-2567. Alamin kung makakakuha ka ng tulong sa Pagpapatuloy ng Pangangalaga.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iyong mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, pumunta sa MyCanopyHealth.com o i-download ang MyCanopyHealth na aplikasyon mula sa iyong paboritong tindahan ng aplikasyon.