Anong Bago
Pinalawak ng UCSF Health ang Pangangalaga sa Peninsula na may mga Bagong Lokasyon at Mga espesyalista
Oktubre 22, 2021 – Naghahangad na magbigay ng maginhawang pangangalagang medikal para sa mga nasa hustong gulang at bata sa Peninsula, ang UCSF Health ay mas malapit na ngayon na may apat na lokasyon sa San Mateo County na nag-aalok ng pangunahing pangangalaga at mga espesyalistang doktor upang matugunan ang iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.
Nagbibigay ang CanopyCare ng Tamang Saklaw para sa Komunidad ng LGBTQIA+
Oktubre 6, 2021 – Ang Dignity Health at UCSF Health ay nakatuon sa pantay, may kaalaman at nakaka-engganyong pangangalaga para sa mga pasyente ng LGBTQIA+ at kanilang mga pamilya. Ang parehong organisasyon ay nagsisilbi sa lahat ng mga pasyente anuman ang pinanggalingan, oryentasyong sekswal, o pagkakakilanlan ng kasarian. Kasama sa network ng CanopyCare ang UCSF Health at Dignity Health, na parehong kilala sa bansa para sa kanilang klinikal na kahusayan at nangungunang mga medikal na tagumpay.
I-access ang Chinese Hospital gamit ang CanopyCare HMO
Oktubre 1, 2021 – Buong pagmamalaking tinatanggap ng CanopyCare ang Chinese Hospital sa kanilang network. Ang institusyong pangkalusugan na ito ay naglilingkod sa San Francisco, at partikular sa komunidad ng mga Tsino, sa loob ng mahigit isang siglo. Ang Chinese Hospital ay ang nag-iisang pasilidad para sa masidhing pangangalaga at pinakamalaking tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan sa Chinatown.
St. Mary’s/UCSF Inpatient na Sentro sa Sakit ng Ulo
Oktubre 2021 – Ang St. Mary’s/UCSF Inpatient na Sentro sa Sakit ng Ulo ay ang una sa uri nito sa West Coast, na nagbibigay ng komprehensibong pangangalaga upang matulungan ang mga pasyenteng dumaranas ng nakakapanghina at nakakapinsalang migraine at iba pang karamdaman ng pananakit sa ulo na hindi tumutugon sa mga unang-linya na paggamot.
Iluwal ang Iyong Sanggol sa MarinHealth gamit ang CanopyCare
Setyembre 27, 2021 – Ang pagkakaroon ng isang sanggol ay isang karanasang nakapagbabago ng buhay. Maaaring magpaanak ang mga empleyado ng SFHSS sa MarinHealth Medical Center na maganda ang disenyo, makabagong Departamento ng Pangangalaga sa Panganganak.
Pambansang Ranggo sa Pangangalaga ng Kanser para sa mga Pasyente sa East Bay
Setyembre 2021 – Ang UCSF Health at John Muir Health ay bumubuo ng isang network ng mga sentro ng pangangalaga sa kanser na idinisenyo upang mapabuti ang pag-iwas, pagsusuri, at paggamot ng mga pasyente ng kanser sa buong East Bay.
BAGO sa 2022: Available ang Pampamilyang Sentro ng Panganganak ng ZSFG sa pamamagitan ng CanopyCare HMO!
Agosto 2021 – Para sa taon ng planong 2022, ang mga miyembro ng SFHSS na pumipili ng BAGONG Health Net CanopyCare HMO sa panahon ng Bukas na Pagpapalista ngayong taon ay magkakaroon ng access sa mga serbisyo ng obstetrics sa Pamapamilyang Sentro ng Panganganak sa Zuckerberg San Francisco General (ZSFG).